Tag: Ras Mitmug

Mitmug, binisita ang Kadja’an booths ng BCPCH

Binisita ni MP Mitmug ang Kadja’an kung saan may mga booths ang iba’t-ibang Bangsamoro tribes gaya ng Meranao, Yakan, Maguindanaon, Tausug, at Sama, kahapon, ika-1 ng Hunyo 2023.

Ang Kadja’an ay parte ng selebrayon ng National Heritage Month na may temang “Heritage: Change and Continuity.” Ibinida sa Kadja’an ang mayaman at makulay na kultura ng Bangsamoro sa pamamagitan ng Living Tradition Exposure.

Masayang sinalubong ng bawat grupo si MP Mitmug sa pag-iikot nito at pamimili ng mga produkto mula sa iba’t ibang probinsya sa mga booths na itinayo sa loob ng BGC Compound. Namangha si MP Mitmug sa mga klase ng paghahabi sa bawat tribo at ang mga katakam-takam na mga pagkain na inihanda ng mga ito. Ibinida ng bawat grupo ang kanilang mga kultura, tradisyon, pati na rin mga produkto na tunay namang maipagmamalaki natin sa buong bansa.

Isa si MP Mitmug sa mga masugid na taga-suporta ng cultural preservation sa ating rehiyon at gumagawa ito ng mga programa para sa nasabing adbokasiya.

Kasama ni MP Mitmug sa pagpunta sa mga Kadja’an ang mga estudyante ng CCNHS Main Senior High School Students na nag-immersion sa kanyang opisina at nais nitong maipasa ang adbokasiya sa kanilang henerasyon para mas maintindihan nila ang kahalagahan nito at mapanatili ang ating pagkakakilanlan.

Ang Bangsamoro Commission for the Preservation of Cultural Heritage – BARMM ang nanguna sa ngayong taon na selebrasyon na may lokal na tema na Preserving the Bangsamoro Heritage through Living Traditions.

SOURCE: https://www.facebook.com/AttyRasMitmug/posts/pfbid0QtGwsnXZSJWGyiDet9Rhznezz21ZSeQ8ANqQTX6VFafUBRa366nWP2923mmZBfTSl

Libreng sorbetes at fish ball, handog ni Mitmug sa mga atleta ng Lanao

Naghandog ng libreng sorbetes at fish ball si MP Rasol Mitmug, Jr. sa mga atleta ng distrito ng Lanao del Sur I,II at Marawi City sa ikalawang araw ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Athletic Association (BARMAA) 2023 noong Huwebes, ika-26 ng Mayo 2023.

Nag-ikot mismo si MP Mitmug sa mga billeting quarters ng mga nasabing distrito kasama si MP Rasul Esmael at ang mga staff nito para batiin at magbigay nang maikling motivational message para sa mga atleta. Saad ni MP Mitmug maliban sa hangarin na manalo sa mga kompetisyon ay mabuti ring maenjoy ng mga atleta ang karanasan sa BARMMAA.

Sinalubong naman nang malakas na hiyawan si Mitmug sa pagdating nito sa mga eskwelahan bilang pasasalamat mula sa mga atleta. Kahit pagod mula sa kanilang mga events ay masayang-masaya ang mga atleta dahil sa malamig na sorbetes at masarap na fishball na bigay ni MP Mitmug. Maliban sa mga atleta, kitang-kita rin sa mga ngiti ng coaches at school district heads ang saya dahil sa pagbisita ni MP Mitmug at pagbibigay importansya sa mga manlalaro ng lalawigan.

Ang mga delegado ng LDS I, II at Marawi City ay naka-billet sa Sero Elementary School, Kimpo Elementary School at RVM College. Ito ang unang pagkakataon na ang Cotabato City ang naghost ng BARMMAA dahil matatandaang kabilang ang siyudad sa Region 12 bago ang plebesito para sa BOL.

Ang mga magwawagi sa BARMMAA ngayong taon ay magrerepresenta sa rehiyon ngayong Hulyo para naman sa Palarong Pambansa. Inaasahang matatapos ang BARMMAA ngayong araw ng Lunes, ika-29 ng Mayo 2023.

More photos to be uploaded in a while…..…

SOURCE:https://www.facebook.com/AttyRasMitmug/posts/pfbid02b2UYQYbRy3XoDEzX3vdter4mS5o2MXNGurL7XduwzGoWWcvDohr28dCDUwmzgar1l

Ikalawang anibersaryo ng Alerto Bangsamoro

Sa ikalawang anibersaryo ng Alerto Bangsamoro naimbitahan si MP Rasol Mitmug para magpahayag ng saloobin tungkol sa importansiya ng radio broadcasting para sa mga diskusyon sa polisiya at pagbibigay tulay sa grassroots level at policymakers sa mga desisyong ito.

Nasabi ni MP Ras na isa sa advantage ng mga radyo ngayon ay napopost ito sa Facebook, kaya’t pwede na itong balikan kapag ito’y hindi mo natutukan sa oras nang pag-ere. Higit pa rito ay ang malawak na reach na naabot ng radyo kaya’t naipapaparating sa grassroots ang mga napaguusapan sa rehiyon.

Sa huli ay binati ni MP Mitmug ang International Alert Philippines at DXMS Radyo Bida Cotabato City at hiniling na sana’y magtuloy-tuloy ang kanilang programa na siyang nagbibigay ng impormasyon sa ating mga kababayan dahil sa pagiging Community Radio nito.

MP Mitmug graces MSU-CBAA 60th anniversary

MP Mitmug attended Mindanao State University Main Campus – Marawi College of Business Administration and Accounting’s (CBAA) 60th Anniversary with the theme, Reminiscing the past, sustaining the present and leading the future through culture of excellence innovative business education, research and extension, yesterday, April 25, 2023 as the Guest of Honor.

In his message, he highlighted the level of competency and skill set of CBAA’s alumni which can compete in the present era and allows for better governance and creates more opportunity for employment in private or public institutions.

Mitmug also enjoins everyone to continue supporting the BARMM government by engaging, cooperating and giving feedback as we aim for a respnsive and functional government.