Mitmug, binisita ang Kadja’an booths ng BCPCH

Binisita ni MP Mitmug ang Kadja’an kung saan may mga booths ang iba’t-ibang Bangsamoro tribes gaya ng Meranao, Yakan, Maguindanaon, Tausug, at Sama, kahapon, ika-1 ng Hunyo 2023.

Ang Kadja’an ay parte ng selebrayon ng National Heritage Month na may temang “Heritage: Change and Continuity.” Ibinida sa Kadja’an ang mayaman at makulay na kultura ng Bangsamoro sa pamamagitan ng Living Tradition Exposure.

Masayang sinalubong ng bawat grupo si MP Mitmug sa pag-iikot nito at pamimili ng mga produkto mula sa iba’t ibang probinsya sa mga booths na itinayo sa loob ng BGC Compound. Namangha si MP Mitmug sa mga klase ng paghahabi sa bawat tribo at ang mga katakam-takam na mga pagkain na inihanda ng mga ito. Ibinida ng bawat grupo ang kanilang mga kultura, tradisyon, pati na rin mga produkto na tunay namang maipagmamalaki natin sa buong bansa.

Isa si MP Mitmug sa mga masugid na taga-suporta ng cultural preservation sa ating rehiyon at gumagawa ito ng mga programa para sa nasabing adbokasiya.

Kasama ni MP Mitmug sa pagpunta sa mga Kadja’an ang mga estudyante ng CCNHS Main Senior High School Students na nag-immersion sa kanyang opisina at nais nitong maipasa ang adbokasiya sa kanilang henerasyon para mas maintindihan nila ang kahalagahan nito at mapanatili ang ating pagkakakilanlan.

Ang Bangsamoro Commission for the Preservation of Cultural Heritage – BARMM ang nanguna sa ngayong taon na selebrasyon na may lokal na tema na Preserving the Bangsamoro Heritage through Living Traditions.

SOURCE: https://www.facebook.com/AttyRasMitmug/posts/pfbid0QtGwsnXZSJWGyiDet9Rhznezz21ZSeQ8ANqQTX6VFafUBRa366nWP2923mmZBfTSl

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.