Uunahin Natin Ang Pagsustena Ng Kapayapaan, Uunahin Natin Ang Taumbayan

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuhu.

Nagsimula po tayo na ang tanging hangad natin ay magkaroon ng kapayapaan sa ating lugar. Ngayon ay nais natin itong magpatuloy upang mas maayos at mas mabigyan ng prayoridad ang pagbibigay natin ng serbisyo sa taumbayan.

Ang Opisina ni MP Rasol Mitmug Jr. ay naniniwalang sa panahong ito ay mas kinakaikailangan nating magkaisa upang mabigyan ng solusyon at mapunan ang mga suliranin ng rehiyon at ng buong bansa. Walang pagkakaisa kung walang kapayapaan.

Bawat isa sa atin ay may responsibilidad na panatilihin ang kapayapaang ating tinatamasa. Kailangan ito ng suporta mula sa iba’t ibang sektor para masustena. Malayo-layo na rin tayo ngunit malayo pa rin ang ating tatahakin sa pagpapaunlad ng ating bayan.

Dahil dito uunahin natin ang pagsustena ng kapayapaan, uunahin natin ang taumbayan, ang ating mga constituents sa BARMM, uunahin natin ang pagseserbisyo at pagiging tapat sa ating sinumpaang tungkulin.

Pagpalain, Bangsamoro. Pagpalain, Pilipinas.

Wa billahi tawfiq wal hidaya.

SOURCE: https://www.facebook.com/photo/?fbid=915241503506475&set=a.788441012853192

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.