Sabi nga nila, ‘Once a teacher, always a teacher.’ Ang pagiging guro dala dala mo yan kahit saan ka man magpunta o anuman ang pinagkakaabalahan mo sa ngayon. Higit sa propesyon hindi matatawaran ang naiwan na pamana ng isang guro sa kanyang mga estudyante. Kaya nga ‘pag may pagtitipon ang barkada o class reunion kadalasan ang napapag-usapan at napapagkwentuhan ay ang ating mga guro.
Sa hirap ng panahon ngayon mas nasusubok ang tibay at pagmamalasakit ng ating mga guro kaya’t sila’y mas atin pang bigyang pugay at pahalagahan.
Isang taon na din nang unang magbigay tayo ng mensahe para sa ating mga guro para sa selebrasyong ito at nataon din ito sa anibersaryo ng ating pagkatalaga bilang Member ng Parliament. Ako rin po ay nabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho at magsilbi sa sector ng edukasyon bilang Regional Secretary ng dating DEPED-ARMM at masasabi kong napaka-fulfilling po nito. Malaki ang respeto ko sa mga guro at alam kong higit pa sa propesyon ang pagtuturo dahil mas malasakit ang nangingibaw sa karamihan lalo na sa ngayon.
Muli bumabati kami ng isang maligayang National Teachers’ Month sa lahat ng guro sa PIlipinas at sa Bangsamoro.
#ThankYouTeacherPH #ThankYouTeacherBARMM