Information and Media Summit

Ginanap ang kauna-unahang Information and Media Summit noong Oktubre 18-20, 2023 sa SMX Convention Center, Davao City.

Dinaluhan ito ng mga sector sa media at information officers ng mga ministeryo, opisina at LGUs sa BARMM. Dumalo rin ang mga partners mula sa national agencies tulad ng Presidential TaskForce on Media Security at Presidential Communications Office. Nagbigay rin ng mensahe ang internatiol groups mula sa The Asia Foundation, SUBATRA at United States Institute of Peace.

Ang summit na ito ay layuning mapagbuklod ang ating mga information officers at kasamahan sa media para mapagusapan ang importansyang ginagampanan ng mga ito sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagsulong ng ekonomiya ng BARMM.

Naimbitahan din si MP Rasol Mitmug Jr. upang magbigay ng mensahe at binigyaan diin niya ang demokratisasyon ng rehiyon dahil isa itong importanteng hakbang lalo na sa isang lugar na dumaan sa kaguluhan dulot ng gyera o karahasan. Nabanggit din sa mensahe ang importansya ng citizen engagement lalo na’t ang trabaho sa parlyamento ay pagrepresenta sa isang komunidad o sector.

Nagbigay din nang makabuluhang presentasyon sina Director General Jose Torres ng Philippine Information Agency patungkol sa papel ng mga IOs sa moral governance; Rowena Paraan ng PCIJ para sa media ltireacy at fact checking at ang batikang mamahayag na si Carolyn O. ARguillas ng MindaNews para sa usaping Bangsamoro Transition sa nakaraang dalawampung buwan.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Bangsamoro Information Office at may temang “Amplifying Voices, Nurturing the Gains of the Peace Process: The Role of Communication in the Bangsamoro Region.”

SOURCE:https://www.facebook.com/photo/?fbid=860249405672352&set=pcb.860249659005660

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.