Biktima ng pagbaha sa Upi, binigyan ng ayuda

Magkatuwang na nagsagawa ng humanitarian mission ang dalawang mga kasapi ng Bangsamoro parliament na mga Navy reservists at iba pang mga supporters para sa mga residente ng Upi, Maguindanao del Norte na binaha nitong nakalipas na Sabado.

January 16 2023

Nagtulungan ang mga Bangsamoro parliament members na parehong mga abugado, sina Ras Mitmug at Suharto Ambolodto na mga Navy reservists, ang mga kasapi ng 57th Infantry Battalion at ng Marine Battalion Landing Team 2 ng 1st Marine Brigade sa pagsasagawa ng naturang outreach activity sa Sefegefen at sa St. Francis School campus sa bayan ng Upi nitong araw ng Linggo, January 15, 2023.

Kasami din sa naturang outreach mission ang mga kasapi ng 62nd Naval Group Reserve Western Mindanao Headquarters Platoon, 923rd Marine Company (Reserve). — JANUARY 17, 2023

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.