Tag: knowledge

๐“๐จ๐ฐ๐ง ๐ก๐š๐ฅ๐ฅ ๐ฆ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฌ, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฌ๐š ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐  ๐‚๐จ๐ญ๐š๐›๐š๐ญ๐จ ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฐ๐ข

Magkasabay na isinagawa ng opisina ni MP Rasol Y. Mitmug, Jr. ang town hall meetings na naglalayon na magbigay impormasyon sa mga tao tungkol sa mga mahahalaga at basic na kaalaman kaugnay sa Bangsamoro government.

Ginanap ang naturang town hall meetings sa Barangay Bagua II sa Cotabato City at Marawi City noong Setyembre 27, 2022. Naging tagapakinig sa Bagua II ang mga kababaihan, samantala, librarian, health workers, titsers, forester, kabataan, at ilang miyembro ng CSOs naman ang aktibong nakilahok sa aktibidad sa Marawi.

Kabilang sa tinalakay ng mga speakers ay ang mandato ng BTA at ang sistema nito. Ipinakilala rin ang mga bagong opisyales ng Bangsamoro government pati na rin ang mga bagong hirang na members of the parliament. Binigyang diin din sa diskurso ang ilan sa mga pangunahing polisiya ng gobyerno.

Isang importanteng usapin naman kaugnay sa mga oportunidad at polisiya para sa mga kababaihan ang tinalakay ni Sahara Ali na representante ng Bangsamoro Women Commission.


Sa Marawi naman ay naiparating ng mga participants na nais nilang magkaroon ng public libraries kada munisipyo, taunang BARMM job fair, pondo para sa mga madrasah at marami pang iba. Samantala, ilan sa mga naitanong sapagpupulong sa nasabing lugar ay ang youth unemployment, seguridad para sa mga MSU students, illegal boosters, waste disposal, at plano ng BARMM para sa mga IDPs.


Pahayag ni Chief of Staff Amer Hussien Mitmug, โ€œItong ganitong klaseng pulong-pulong ay sinasagawa namin upang mabigyan ang mga kababayan natin ng sapat na impormasyon patungkol sa BARMM Government para sila ay magiging aktibong members of the community. Bilang aktibong miyembro ng kommunidad, tayo po ay magsisikap na iparating sa mga tamang ahensiya ang mga legitimate at napapanahong isyus para sa ikauunlad ng ating komunidad.โ€

Hangad ng opisina ni MP Mitmug na mas marami pang barangay ang mapupuntahan ng grupo para sa isinasagawang puspusan na information drive.