Tag: Town hall meeting

Town Hall Meeting sa Gambai, Lumba-Bayabao, Lanao del Sur

Pormal na isinagawa ang town hall meeting para sa information drive sa Barangay Gambai, Lumba-Bayabao, Lanao del Sur, kasama ang mga mamamayan sa nasabing barangay na kinabibilangan ng mga magsasaka, trike drivers, hardinero, daycare teachers, CSOs, barangay tanod at BLGU na pinangungunahan ni Kapitan Fatima Angintaopan.


Kabilang sa mga napag-usapan ay ang pagkakaroon ng sapat na mga kasangkapan o equipment para sa mgamagsasaka at mambubukid at mabigyan nang sapat na kaalaman sa livestock production sa pamamagitan ng mga trainings patungkol dito.

Lahat ng mga kahilingan at isyus ng mga dumalo ay ginagawan ng report ng opisina para maiparating sa tamang ahensya ng BARMM. Laking pasasalamat naman ng mga mga magsasaka sa gobyerno ng bangsamoro dahil sa binigay nilang supply gaya ng fertilizer at mga seedlings.

Nananawagan ang mga nasabing mamamayan na sana ay ipagpatuloy ng BARMM ang pag-abot ng tulong sa kanilang barangay.

IP month sa South Upi kasama ang Team Ras

Kasabay ng selebrasyon ng buwan ng Indigenous People, nagtungo ang opisina ni MP Rasol Mitmug, Jr. sa Sitio Manga, South Upi, Maguindanao upang magsagawa ng townhall meeting information drive kahapon ika-26 ng Oktubre 2022.
 
 
Dinaluhan ng mahigit 70 participants mula sa Santa Fe, Kibucay, Malibacao, at Timanan ang nasabing aktibidad kung saan naibahagi ng opisina ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa serbisyong handog ng gobyernong Bangsamoro at maging ng Bangsamoro Transition Authority.
 
Ngapadala naman ng representante si Minister Ulama ng Ministry of Indigenous Peoples’ Affairs – BARMM sa katauhan ni Felino Samar, Executive Assistant V, na siya namang nagpaliwanag ng mandato at mga programa ng ministro. Makabuluhan ang pagbabahagi ni Samar dahil ipinaalam nito sa mga dumalo ang mga karapatan nila sa lengguwaheng Teduray.
Isang importanteng usapin naman kaugnay sa mga oportunidad at polisiya para sa mga kababaihan ang tinalakay ni Sahara Ali na kinatawan naman ng Bangsamoro Women Commission – BARMM.
Naging oportunidad naman ito para maiparating ng mga katutubo ang kanilang karanasan bilang mamamayan ng Bangsamoro at maisangguni ang kanilang mga nais na tulong o serbisyo na makuha mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
 
Ayon sa mga participants, mas nadagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa barmm government at nagpapasalamat sila na may ganitong programang nakarating sa kanila. Hangad ng opisina ni Mitmug na maging tulay upang mas maging maginhawa ang bawat IP communities sa rehiyon sa tulong na rin ng ating pamahalaan.
Nagpapasalamat din kami kay Maam Ai Leen ng Women Organization of the Rajah Mamalu Descendants sa pagtulong na maging matagumpay ang aming aktibidad.