100 Days: Working towards Effective and Responsive Legislation thru Promotion of Citizen Engagement
Town hall meeting sa Binidayan, Lanao del Sur
Naging makabuluhan ang isinagawang town hall meeting info drive sa Binidayan, Lanao del Sur.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang sector gaya ng mga Ustadz, manggagawa, kabataan, environmentalists, mga kinatawan ng mga organisasyon sa nasabing lugar, at marami pang iba pa.
Mahalagang tinalakay ang kanilang mga personal na karanasan sa BARMM Government sa nakalipas na tatlong taon, ang kanilang mga inaasahan sa extended termino ng pamahalaang Bangsamoro at ang mga nais nilang maisabatas sa tulong ng mga kasalukuyang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority.
Nabigyang-diin ang paghahanap ng solusyon sa patuloy na pagtaas ng unemployment rate at hiniling na may sapat na mga tuntunin sa oportunidad sa mga trabaho o transparency ng hiring process sa mga ahensya ng BARMM.
Naging oportunidad naman ito para maiparating ang kanilang ninanais na magkaroon ng sapat na suporta sa mga madrasah at sa mga pasilidad nito. Gayunpaman, nais nilang makamtan ang mga naipangako ng mga kinauungkulan sa BARMM.
Nagpapasalamat ang mga mamayan ng Binidayan sa inisiyatiba ng Opisina ni MP Atty. Rasol Y. Mitmug Jr. upang alamin ang mga suliranin at iba pang isyu ng mga nasa laylayan.
Town Hall Meeting sa Gambai, Lumba-Bayabao, Lanao del Sur
Pormal na isinagawa ang town hall meeting para sa information drive sa Barangay Gambai, Lumba-Bayabao, Lanao del Sur, kasama ang mga mamamayan sa nasabing barangay na kinabibilangan ng mga magsasaka, trike drivers, hardinero, daycare teachers, CSOs, barangay tanod at BLGU na pinangungunahan ni Kapitan Fatima Angintaopan.
Kabilang sa mga napag-usapan ay ang pagkakaroon ng sapat na mga kasangkapan o equipment para sa mgamagsasaka at mambubukid at mabigyan nang sapat na kaalaman sa livestock production sa pamamagitan ng mga trainings patungkol dito.
Lahat ng mga kahilingan at isyus ng mga dumalo ay ginagawan ng report ng opisina para maiparating sa tamang ahensya ng BARMM. Laking pasasalamat naman ng mga mga magsasaka sa gobyerno ng bangsamoro dahil sa binigay nilang supply gaya ng fertilizer at mga seedlings.
Nananawagan ang mga nasabing mamamayan na sana ay ipagpatuloy ng BARMM ang pag-abot ng tulong sa kanilang barangay.