Category: Updates

Ikalawang anibersaryo ng Alerto Bangsamoro

Sa ikalawang anibersaryo ng Alerto Bangsamoro naimbitahan si MP Rasol Mitmug para magpahayag ng saloobin tungkol sa importansiya ng radio broadcasting para sa mga diskusyon sa polisiya at pagbibigay tulay sa grassroots level at policymakers sa mga desisyong ito.

Nasabi ni MP Ras na isa sa advantage ng mga radyo ngayon ay napopost ito sa Facebook, kaya’t pwede na itong balikan kapag ito’y hindi mo natutukan sa oras nang pag-ere. Higit pa rito ay ang malawak na reach na naabot ng radyo kaya’t naipapaparating sa grassroots ang mga napaguusapan sa rehiyon.

Sa huli ay binati ni MP Mitmug ang International Alert Philippines at DXMS Radyo Bida Cotabato City at hiniling na sana’y magtuloy-tuloy ang kanilang programa na siyang nagbibigay ng impormasyon sa ating mga kababayan dahil sa pagiging Community Radio nito.

Women, Peace and Security Agenda in the BARMM: A Decade of Regional Implementation of UNSCR 1325

Focus group discussion on “Women, Peace and Security Agenda in the BARMM: A Decade of Regional Implementation of UNSCR 1325” last 12 February 2023, Sunday at the District Office of MP Rasol Mitmug, Jr., at the G/F VIP Lounge, MSU Gym, Marawi City.

This activity is part of a series for the research work of SITTIE JEHANNE U. MUTIN, Lead Researcher/ UNDP RAP-WPS Technical Consultant, on women in conflict, especially in the light of the Marawi siege and rido in the area. The FGD is organized in partnership with the Office BTA MP Rasol Mitmug, Jr. and the Rotary Club of Marawi. The participants are women composed of community leaders, beneficiaries and implementers of the WPS specially the Bangsamoro Women Commission – BARMM Lanao and/or GAD program in BARMM from 2012-2022. The objectives of the activity are: validate women, peace and security issues in the BARMM, assess RAP WPS agenda in the BARMM, and recommend WPS policies for the BTA.

SOURCE:https://www.facebook.com/AttyRasMitmug/posts/pfbid01RP6LXUb8YL9LzqDXmspwp5ijL8KZntRFW8iKrtNtKDbyiUMCKXd8TpEr9Y5Q2FUl?__cft__[0]=AZXxeUULlitcUayJddLr8tA2dNARz7irM1atjD8yvpQS1cdv10BhTgljcmtn3CLF_mBTwSAjJfWInZksKxwphgD7-q2uOABZgx_qjF2YuDUatZrmxjerEa7AYZYXkXxiCQXr8ML0njQ5GIvj3HzkuYQpVvDJHplmsQ_BcVKSnoaC0OZ8Puy0E48BnJBOysIkFIlJdpeoqYkSSBggZYE9wc8M&__tn__=%2CO%2CP-R

Town hall meeting sa Binidayan, Lanao del Sur

Naging makabuluhan ang isinagawang town hall meeting info drive sa Binidayan, Lanao del Sur.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang sector gaya ng mga Ustadz, manggagawa, kabataan, environmentalists, mga kinatawan ng mga organisasyon sa nasabing lugar, at marami pang iba pa.


Mahalagang tinalakay ang kanilang mga personal na karanasan sa BARMM Government sa nakalipas na tatlong taon, ang kanilang mga inaasahan sa extended termino ng pamahalaang Bangsamoro at ang mga nais nilang maisabatas sa tulong ng mga kasalukuyang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority.
Nabigyang-diin ang paghahanap ng solusyon sa patuloy na pagtaas ng unemployment rate at hiniling na may sapat na mga tuntunin sa oportunidad sa mga trabaho o transparency ng hiring process sa mga ahensya ng BARMM.

Naging oportunidad naman ito para maiparating ang kanilang ninanais na magkaroon ng sapat na suporta sa mga madrasah at sa mga pasilidad nito. Gayunpaman, nais nilang makamtan ang mga naipangako ng mga kinauungkulan sa BARMM.

Nagpapasalamat ang mga mamayan ng Binidayan sa inisiyatiba ng Opisina ni MP Atty. Rasol Y. Mitmug Jr. upang alamin ang mga suliranin at iba pang isyu ng mga nasa laylayan.