Sumailalim sa training on moral governance ang buong opisna ni MP Rasol Mitmug, Jr. na isinagawa at pinangunahan ng Development Academy of the Bangsamoro (DAB) kahapon ika-7 ng Pebrero 2023.
Ang nasabing training ay ginawa sa loob lamang ng isang araw kung saan binigyang kahulugan ang moral governance, ipinaliwanag ang pinagmulan nito, at tinalakay ang sampung elemento nito na kinabibilangan ng mga sumusunod: belief or piety, rule of law, justice, moral and ethical values, consultation (as-shurah), trust (Amanah), striving for excellence, balance of sustainable development, accountability at transparency.
Nagbigay din ng mga kongkretong halimbawa ang DAB sa paggamit ng mga elementong ito sa araw-araw na gawain at pagbibigay serbisyo bilang kawani ng gobyerno. Naging makabuluhan ang kabuuan ng aktibidad dahil sa interaktibong partisipasyon ng mga staff ni MP Mitmug. Sa ginawang workshop, naibahagi ng mga staff kung paano nila magagamit ang mga elemento at prinsipyo ng moral governance sa kanilang mga responsibilidad sa kani-kanilang dibisyon sa opisina at ano ang magiging epekto sa kanilang constituency. Hangad ni Gebracel N. Makaton, resource speaker ng DAB para sa training na ito, na maiparating o macascade ng staff ni Mitmug ang kanilang mga natutunan sa training lalo na iyong elemento ng moral governance.
Sa huli ay nagsulat ng kani-kanilang pledges o pangako ang mga staff sa Commitment Wall ng Moral Governance na siya namang ipapaskil sa loob ng opisina para maging gabay o magsilbing paalala sa kanilang pagtatrabaho.
Ang opisina ni Mitmug ang KAUNA-UNAHANG opisina ng MP na dumaan sa training on moral governance na sadyang inirequest ni MP Rasol Mitmug dahil gusto nitong maisapuso at maiapply ng bawat staff ang Moral Governance na siyang adbokasiya ng BARMM nung umpisa pa lang. Aniya dapat munang maintindihan nang maiigi ng opisina kung ano ba talaga ito at doon mag-uumpisa at mapapaigting ang aplikasyon ng moral governance.
Ipinarating din ni Said Ibrahim Abdulkasan, DAB facilitator, ang kanyang pasasalamat sa pag-imbita sa kanila para maisagawa ang flagship training ng Academy. Ayon sa kanya, nakapagsimula na sila sa mga ministries at agencies pero ang opisina ni MP Mitmug ang pinakauna sa mga Members of the Parliament na sumailalim dito. Kaya naman hinihikayat namin ang ibang opisina ng mga Miyembro ng Parliament na sumailalam din sa training na ito dahil lahat tayo ay kabilang sa pamamahala ng Bangsamoro.
Nakatakda rin sanang manumpa (oath) ng moral governance ang mga staff ni Mitmug sa araw na ito ngunit hindi natuloy dahil sa pagpanaw ni Wali Nando. Matatandaan na si MP Mitmug ay personal pumunta sa opisina ni Wali para manumpa noong 2020.