Category: Lanao del Sur

Libreng sorbetes at fish ball, handog ni Mitmug sa mga atleta ng Lanao

Naghandog ng libreng sorbetes at fish ball si MP Rasol Mitmug, Jr. sa mga atleta ng distrito ng Lanao del Sur I,II at Marawi City sa ikalawang araw ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Athletic Association (BARMAA) 2023 noong Huwebes, ika-26 ng Mayo 2023.

Nag-ikot mismo si MP Mitmug sa mga billeting quarters ng mga nasabing distrito kasama si MP Rasul Esmael at ang mga staff nito para batiin at magbigay nang maikling motivational message para sa mga atleta. Saad ni MP Mitmug maliban sa hangarin na manalo sa mga kompetisyon ay mabuti ring maenjoy ng mga atleta ang karanasan sa BARMMAA.

Sinalubong naman nang malakas na hiyawan si Mitmug sa pagdating nito sa mga eskwelahan bilang pasasalamat mula sa mga atleta. Kahit pagod mula sa kanilang mga events ay masayang-masaya ang mga atleta dahil sa malamig na sorbetes at masarap na fishball na bigay ni MP Mitmug. Maliban sa mga atleta, kitang-kita rin sa mga ngiti ng coaches at school district heads ang saya dahil sa pagbisita ni MP Mitmug at pagbibigay importansya sa mga manlalaro ng lalawigan.

Ang mga delegado ng LDS I, II at Marawi City ay naka-billet sa Sero Elementary School, Kimpo Elementary School at RVM College. Ito ang unang pagkakataon na ang Cotabato City ang naghost ng BARMMAA dahil matatandaang kabilang ang siyudad sa Region 12 bago ang plebesito para sa BOL.

Ang mga magwawagi sa BARMMAA ngayong taon ay magrerepresenta sa rehiyon ngayong Hulyo para naman sa Palarong Pambansa. Inaasahang matatapos ang BARMMAA ngayong araw ng Lunes, ika-29 ng Mayo 2023.

More photos to be uploaded in a while…..…

SOURCE:https://www.facebook.com/AttyRasMitmug/posts/pfbid02b2UYQYbRy3XoDEzX3vdter4mS5o2MXNGurL7XduwzGoWWcvDohr28dCDUwmzgar1l

Women, Peace and Security Agenda in the BARMM: A Decade of Regional Implementation of UNSCR 1325

Focus group discussion on “Women, Peace and Security Agenda in the BARMM: A Decade of Regional Implementation of UNSCR 1325” last 12 February 2023, Sunday at the District Office of MP Rasol Mitmug, Jr., at the G/F VIP Lounge, MSU Gym, Marawi City.

This activity is part of a series for the research work of SITTIE JEHANNE U. MUTIN, Lead Researcher/ UNDP RAP-WPS Technical Consultant, on women in conflict, especially in the light of the Marawi siege and rido in the area. The FGD is organized in partnership with the Office BTA MP Rasol Mitmug, Jr. and the Rotary Club of Marawi. The participants are women composed of community leaders, beneficiaries and implementers of the WPS specially the Bangsamoro Women Commission – BARMM Lanao and/or GAD program in BARMM from 2012-2022. The objectives of the activity are: validate women, peace and security issues in the BARMM, assess RAP WPS agenda in the BARMM, and recommend WPS policies for the BTA.

SOURCE:https://www.facebook.com/AttyRasMitmug/posts/pfbid01RP6LXUb8YL9LzqDXmspwp5ijL8KZntRFW8iKrtNtKDbyiUMCKXd8TpEr9Y5Q2FUl?__cft__[0]=AZXxeUULlitcUayJddLr8tA2dNARz7irM1atjD8yvpQS1cdv10BhTgljcmtn3CLF_mBTwSAjJfWInZksKxwphgD7-q2uOABZgx_qjF2YuDUatZrmxjerEa7AYZYXkXxiCQXr8ML0njQ5GIvj3HzkuYQpVvDJHplmsQ_BcVKSnoaC0OZ8Puy0E48BnJBOysIkFIlJdpeoqYkSSBggZYE9wc8M&__tn__=%2CO%2CP-R

District office ni MP Mitmug, binuksan na sa publiko

TIGNAN | JANUARY 21, 2023

Kasabay ng ika-4 na taon ng anibersaryo ng Bangsamoro Region ay ang pagbubukas ng District Office at Signing of agreement ng tanggapan ng buthing MP Atty. Ras Mitmug at ang Mindanao State University Main Campus – Marawi na dinaluhan ni MSU President Atty. Bashari Mapupuno.

Dumalo ang Bangsamoro Scholars Association sa ginanap na Ribbon Cutting ng bagong lokasyon ng tanggapan ni MP Ras . Ikinatuwa ng BSA ang naging hakbang ni MP Mitmug na mailapit ang serbisyo ng Bangsamoro Government sa pamamagitan ng tanggapan nito na maliwalas at upang makatulong sa mga Kabataang Bangsamoro.

January 21 2023

Ikanga ni Chief of Staff Amer Y. Mitmug “This new office is a testament to the hard work and dedication of team Ras to serve, assist and serve his constituents in the BARMM. The facilities in the office is a community library, conference room, equipment, with internet connectivity and ofcourse coffee until supplies last. All of this enable us to serve, new better and more efficiently and to make this office a true hub of productivity, creativity and success”.

Alhamdulillah! Dahil patuloy at nanatiling matibay ang pagtutulongan ng tanggapan ni MP Atty. Rasol Mitmug at ang Bangsamoro Scholars Association tungo sa pagkamit ng mabuting hangarin para Kabataang Bangsamoro.

Kabilang sa mga nakarating ay ang College Dean ng MSU – College of Business Administration and Accountancy Prof. Sahraman Latif, OVCAA Director Sorhaila Latip, DXSO Radyo Pilipinas Marawi Station Manager Baealabi Shora M Sabdullah at iba pang mga partners ni MP Ras.

Patuloy nagboboluntaryo!

#BangsamoroScholars
#BridgingOpportunities
#MPRas
#bangsamorofoundationday

Source: https://www.facebook.com/bangsamoroscholars/posts/pfbid02pxrU6TjpRKKvHkxDyhcwPV1xruwfG71aRKgPmGt3He4eATQsP8zKpeMjB28DD5jl

Town hall meeting sa Binidayan, Lanao del Sur

Naging makabuluhan ang isinagawang town hall meeting info drive sa Binidayan, Lanao del Sur.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang sector gaya ng mga Ustadz, manggagawa, kabataan, environmentalists, mga kinatawan ng mga organisasyon sa nasabing lugar, at marami pang iba pa.


Mahalagang tinalakay ang kanilang mga personal na karanasan sa BARMM Government sa nakalipas na tatlong taon, ang kanilang mga inaasahan sa extended termino ng pamahalaang Bangsamoro at ang mga nais nilang maisabatas sa tulong ng mga kasalukuyang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority.
Nabigyang-diin ang paghahanap ng solusyon sa patuloy na pagtaas ng unemployment rate at hiniling na may sapat na mga tuntunin sa oportunidad sa mga trabaho o transparency ng hiring process sa mga ahensya ng BARMM.

Naging oportunidad naman ito para maiparating ang kanilang ninanais na magkaroon ng sapat na suporta sa mga madrasah at sa mga pasilidad nito. Gayunpaman, nais nilang makamtan ang mga naipangako ng mga kinauungkulan sa BARMM.

Nagpapasalamat ang mga mamayan ng Binidayan sa inisiyatiba ng Opisina ni MP Atty. Rasol Y. Mitmug Jr. upang alamin ang mga suliranin at iba pang isyu ng mga nasa laylayan.