Mga estudyante at guro sa Timako, masayang-masaya sa outreach program

Masayang ipinagdiwang ng mga guro at mag-aaral ng Timako Elementary School ang kulminasyon ng National Teacher’s Month ngayong araw na may temang “Gurong Pilipino, Dangal ng Sambayanang Pilipino.”
 
Nakilahok ang opisina ni MP Rasol Y. Mitmug, Jr. sa isinagawang outreach program sa naturang paaralan kung saan nagkaroon ng iba’t-ibang aktibidades tulad ng tsunami awareness, earthquake drill, libreng gupit, feeding program at distribution of hygiene kits.
 
Nagpapasalamat naman si Faudzia D. Karim, Timako Elementary School Principal, sa pagpili sa kanilang paaralan upang mabigyan ng mga programa mula sa iba’t ibang ahensya na lubos na nagpasaya sa mga bata maging sa mga guro.
 
Katuwang ng opisina sa programang ito ang Alpha Company 99 IB, 5 ID Phil Army, H.E.L.P. Mindanao, SPIN Media ph BARMM, CARE Inc. ,6FAB PA, Kutawato Pulisya, CCPO Station 3, Regional Highway Patrol Group, at Maguindanao Maritime Police Station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.